Chapter 6: Rejected
Nueves' POV
Sa loob ng ilang araw, halos gano'n ang naging routine namin. Tuwing malapit ng magtanghalian ay sumasama kami sa mga naghahatid ng pagkain sa mga magsasaka.
And gano'n din ang naging set-up ni Mica at Lili. Lagi namin silang naabutang magkasama at masayang nagkikwentuhan. I'm thinking now if what's their current status? Are they dating now? Kasi kung gano'n, ako na mismo yung tatapos sa set-up namin.
Hindi na rin naman kami nagsesex ng ilang araw.. Baka sila na nga kaya umiiwas na rin si Mica. If that's the case, mabuti na rin 'yon. These past few days ay naging magulo ang mga nararamdaman ko. At hindi na ito nakakatuwa so I better stop it.
"Maligo ka na, uy!" Wika ni Niks. Nagsusuklay ito ng buhok n'ya sa harapan ng salamin.
"Hindi nalang ako lalabas." Mahinang wika ko. Nakahiga parin ako sa kama at bagot na bagot.
"No! Lalabas ka, ang daming pagkain saka magpapa-inom daw si Mica." Masiglang wika nito.
Tapos na kasi ang pag-aani nila and there will be a celebration. Dito lang din gaganapin sa mansion nila, totoong maraming pagkain dahil lahat ay imbitado.
"Tinatamad talaga ako, Niks." Walang gana kong sagot.
"Isusumbong kita kay Mica." Pananakot n'ya sa'kin.
"She doesn't care." Mapait kong wika. Kay Lili lang naman 'yon may pake.
"Oh, you're jealous? With Mica and Lili?" She remarked. Ano naman kung nagseselos nga ako? Wala naman silang magagawa.
"Kahit magpakasal pa sila ngayon kung gusto nila." Bira ko na ikinatawa ni Niks.
Mahilig talaga itong mang-asar pero napakagentlewoman niya. Hindi s'ya tumatabi sa'kin sa kama. Sa sofa s'ya lagi natutulog. Kabaliktaran s'ya nung isa. And she said she's single naman but not available raw.
"'Yang si Mica, in no time irereject din 'yan." Parang siguradong wika ni Niks. What she said made me look at her. Nangunot pa ang noo ko.
"Paano mo naman nasabi?" Interesadong tanong ko. Dahan-dahan akong naupo sa kama.
"Straight si Lili. I already warned Mica about it but she didn't listen." She said.
"And how did you know that Lili's straight?" Tanong ko ulit.
"It's so obvious! Hindi mo lang napapansin kasi ayaw mong tumitingin sa kanila!" Wika nito saka tumawa. "Lili is just comfortable with Mica that's why she's close to her pero lalake ang gusto non." Dagdag pa n'ya.
"Yung Kaloy?" Niks nodded. Actually, napapansin ko rin yung tingin ni Lili do'n sa Kaloy pero anong magagawa ko? Kay Niks nga hindi s'ya nakinig e, sa'kin pa kaya?
Hindi ako natutuwa na alam kong marereject s'ya. I want to do something atleast.
Napalingon kami sa pinto nang makarinig kami ng katok.
"Pasok!" Sigaw ni Niks. Agad namang bumukas ang pinto at pumasok sa kwarto si Mica. Nakaayos ito. She's wearing a dress and a light make up. "Wow, ganda natin ha?"
She just smiled at Niks. Parang ang gaan ng aura nito ngayon. Ang tamis din ng ngiti e.
"Nueves, can we talk?" Bumaling s'ya ngayon sa'kin. Kalmado ang boses niya.
"Huh?" Nagulat pa ako pero agad ding umayos. "S-sure." I answered afterwards.
"Labas na ako, Mica and Nueves." Paalam ni Niks at umalis na. Hinintay naming makaalis si Niks bago kami nagtinginan ni Mica.
"Nueves, I want to stop our set-up." Wala manlang pasubaling wika nito. Tho I was expecting it ay medyo nagulat parin ako.
"S-sige, if that's what you want." I said in low tone. Tumingin ako sa paligid para iwasan ang tingin n'ya. Tapos na kami, tapos na ang set-up namin, wala ng rason para magkita kami o magsama sa iisang lugar.
"Cool," magaang sagot n'ya. "You're not going outside? May celebration, baka pumunta yung pinagbigyan mo ng facebook account mo ro'n." Tila kinukumbinsi ako nitong lumabas din.
Wala akong pake ro'n, Mica. What I'm thinking right now is you.
"Masama kasi ang pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko. Marahan naman s'yang tumango. "Ikaw, bakit nakaayos ka? May lakad ka?" Tanong ko.
"I'm confessing to Lili." She gladly answered. My mouth almost formed an 'o'. Kaya pala magaan ang aura nito at ang ganda ng ayos. So pinaghandaan niya talaga.
But then I suddenly remember what Niks and I talked about just earlier.
"Mica," tawag ko sa kanya. Medyo kinakabahan ako sa sasabihin ko. Baka kung anong isipin n'ya.
"Hmm?" Masuyong usal n'ya.
"Si Lili.. paano kung, uhm.. hindi mutual yung nafifeel n'yo?" Finally, nasabi ko rin. Her lips pursed kaya natakot agad ako sa magiging reaction n'ya but she managed to control it. Hindi s'ya nagsalita ng ilang segundo.
"That's impossible." Malamig na wika niya. Tumalikod na ito at umalis nang hindi nagpapaalam. That's her role to my life. Ang talikuran ako.
I just waited for the celebration to end. Pero ang tagal din ni Niks na umakyat sa kwarto. Mukhang nagkakasiyahan na sila. Maingay na rin sa labas.
I took a shower and decided to go downstairs. Narealize kong nakakahiya kung hindi ako sasama e nakikitira lang ako rito sa mansion nila Mica.
Pagdating sa baba ay kaunti na rin ang tao. May mga pangkat na nag-iinuman. And there I saw the table of my friends. Kasama nila sa table si Lili. Sa tabi ng table ay yung table naman ng mga lalaking naglaro ng basketball nung nakaraan.
Naglakad ako palapit. I immediately caught Niks' attention.
"Uy, Nueves!" Bati n'ya agad sa'kin. Naiilang naman akong ngumiti. I'm trying my best not to look at Mica and Lili.
"Hi," bati ko sa kanila. Yung bakanteng upuan nalang ay sa tabi ni Niks at katapat no'n ay si Mica. Wala na akong choice kundi maupo ro'n.
"Shot puno," naglapag ng punong shot glass si Sky sa harapan ko.
"Sky, ang dami mo maglagay!" Wika ni Carol.
"That's fine," wika ko naman. Tinungga ko yung first shot in one big gulp. Gumuhit 'yon sa lalamunan ko but it feels good. Ngayon lang ulit ako iinom. I needed this.
"Si Niks ang takaw sa pulutan." Natatawang wika ni Saji.
"Hindi ah!" Tanggi naman nitong isa.
"Si Sky ang taas ng tagay kay Carol." Natatawang asar ko rin sa kaibigan ko.
"Basta may alak may balak HAHAHAHAHAHAHA." si Niks.
"Don't drink too much, Lili." Saway ng isa kay Lili. Napairap nalang ako sa loob-loob ko.
"Kaunti lang naman nito." Wika ni Niks na siyang naglagay sa baso ni Lili. Sobrang dami nga no'n, ewan ko rito kay Niks, parang balak lasingin si Lili.
"Tsk." Kinuha ni Mica 'yon kay Niks and she shot it. "Let's go, Lili. I have to tell you something." Wika niya saka hinila ang dalaga patayo. Hindi na ito nakapagprotesta pa.
"Marereject na 'yan," bulong sa'kin ni Niks. Parang alam na alam talaga nito yung mga mangyayari. Magpahula na kaya ako ng kapalaran ko?
"May gusto ba si Mica ro'n?" Mahinang tanong ni Carol nang makaalis ang dalawa.
"Obviously," Niks confidently said.
"Knew it!" Pansin n'ya rin pala.
"Oy mga pre!" Napalingon kami nang may magsalita sa kabilang table. Ito yung mga lalaking nagbasketball. Nandito rin yung nanghingi ng facebook account ko. He smiled at me kaya pilit din akong ngumiti. "Umiinom ba kayo nito?"
Pinakita ng lalaki ang isang gin at juice, kasama ng lighter. Oh, I know that. Nakatikim na ako n'yan at masarap 'yan kapag magaling ang nagtimpla.
"Shembot?" Manghang tanong ko.
"Alam pala ni Nueves e." Wika ng isa. Hindi s'ya yung nanghingi ng facebook account ko pero alam n'ya ang pangalan ko.
"Nakatikim na kasi ako n'yan." Nahihiyang wika ko. Tumayo ang isang lalaki at lumapit sa table namin.
"Titimplahin ko tapos sa inyo na 'to." Wika ng lalaki. Nagsimula nga s'yang timplahin yung inumin. Pinaghalo muna niya yung juice at gin. Niready rin nito yung pitchel na may tubig. Sinindihan na nito yung gin saka inalog, paulit ulit lang habang paunti-unting binubuhos sa pitchel yung gin na may juice.
"Hala, ang galing!" Manghang wika ng mga kasama ko. While they are busy watching the guy, I looked around. Namataan ko si Mica at Lili na magkausap sa di kalayuan.
Pinagmasdan ko sila. Mica is telling something to Lili. She even held her hand. May kakaibang kirot ang sumilay sa dibdib ko pero nanatili akong nakatingin sa direksyon nila.
Maya maya ay nagsalita rin si Lili. Unti-unting bumagsak ang balikat ni Mica at nawala ang ngiti nito sa labi. Shit.. that's it. Matapos no'n ay nagmamadaling umalis si Lili, naiwang tulala si Mica.
Tumayo na agad ako. Makalipas ng ilang segundo ay naglakad na rin si Mica papasok sa mansion. Sinundan ko s'ya, hindi alintana ang boses ng mga kaibigang tumatawag sa'kin.
"Mica!" Tawag ko sa kanya pero tuloy-tuloy lang ang mabilis na lakad n'ya hanggang sa makarating ito sa kwarto n'ya. "Mica!" Tawag ko ulit pero binagsak lang nito ang pinto.
I sighed while watching the closes door.
"Nueves," nakarinig ako ng mga yapak sa likuran ko. Si Carol at Niks. "Hayaan mo muna s'ya." Kalmadong wika ni Niks.
"She'll talk when she's ready." Segunda ni Carol. Huminga ulit ako ng malalim.
"S-sige, may kukunin lang ako sa kwarto, babalik din ako ro'n." Wika ko sa kanila.
Lumapit si Niks sa pintuan. "Mica, nasa baba lang kami ha." Paalala nito sa kaibigan bago naglakad pabalik sa labas.
"Huwag muna, Nueves. Baka mapag-initan ka." Seryosong paalala naman sa'kin ni Carol bago ito sumunod kay Niks.
I looked at the door again. Sobrang tahimik sa loob. Wala akong marinig ni kaluskos. What is she doing inside? Hindi ba nag-aalala ang mga kaibigan n'ya? Hindi ko yata kayang umalis dito.
Dinikit ko ang sarili sa pinto. Sobrang tahimik talaga. I hope she's okay there.
"Mica," tawag ko sa kanya. Walang sumagot. "I'm just here, outside, talk to me if you want.." masuyong wika ko. I can't leave her here, I can't leave her like that.
Ilang minuto na akong nakatayo rito. Nangangawit na ako kaya naupo na ako sa sahig.
"I'm still here.." wika ko pa.
Minutes passed by. I'm starting to feel sleepy.
"Mica, I'm sleepy. Just ring my phone if you wanna talk, okay?" Tumayo na ako. Naghahanda na akong umalis nang biglang bumukas ang pinto.
Mica's still wearing her dress, still wearing a make-up but her aura is dark. Parang nakakatakot itong lapitan. My heart starts to pound loudly when she grabbed my hand forcefully.
Hinila n'ya ako papasok saka isinara ang pinto.
"Do you want to make me feel better?" Malamig na tanong n'ya. Mas bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat segundong nakatingin s'ya sa'kin. "I'm asking you, Nueves."
"Y-yeah, I do.." kinakabahang sagot ko.
Isang tango ang iginawad n'ya.
"Do as I say." Malamig na utos n'ya.
Bạn đang đọc truyện trên: WatTruyen.Top