WatTruyen.Top

𝐆𝐨𝐥𝐝𝐞𝐧 𝐇𝐨𝐮𝐫𝐬 [TSS #2]

Chapter 22: Spoiled

seekss3nse

Nueves' POV

Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Wala na rin si Mica sa tabi ko kaya bumangon agad ako para hanapin s'ya. Saktong pagbangon ko ay napansin ko ang isang boquet ng rosas sa maliit kong table.

Kinuha ko agad 'yon. May maliit na note na nakasipit.

Roses for my girlfriend. ❤️
- Mica

A smile automatically registered on my face. Inamoy ko ang mga bulaklak. Ang bango. It reminds me of her. Mabango si Mica, kahit yata nagpapawis s'ya ay amoy baby parin.

Nakaamoy ako ng iba't-ibang klase ng pagkain. I know that's Mica behind those smell kaya naligo muna ako at nagsipilyo bago lumabas ng kwarto. Nakita ko agad si Mica na naghahanda ng almusal. Ang daming pagkain ang nakahain.

"Nagluto ka?" Bungad na tanong ko. Nakakatakam ang mga pagkain.

"Good morning, my pretty girlfriend." Sinalubong niya naman ako ng matamis na ngiti. "I didn't cook these because I don't know how to cook yet. But once I learn, ikaw ang unang makakatikim ng luto ko."

"Luto mo lang?" I unconsciously asked.

"Huh?" Nagulat yata si Mica sa tanong ko.

"Huh?" Pati ako ay nagulat. "W-wala, sabi ko I'm excited to taste it." Palusot ko pero mukhang hindi umubra sa kanya. She smirked sexily.

"Have a sit, pretty." Pinaghila niya ako ng upuan.

"Thank you." Nakangiting sagot ko rin. Mabuti nalang hindi na s'ya nangulit sa pagkadulas ko. What am I even thinking at bakit nasabi ko 'yon?

Naupo rin s'ya sa tapat ko kaya magkaharap na kami.

"Humiram pala ulit ako ng damit mo. Ipapalaundry ko nalang lahat ng nagamit kong damit mo bago ko isauli." Wika niya ulit. Doon ko lang napansin ang suot n'ya. Yung damit kong mukhang basahan, 'yon pa talaga ang napili n'ya.

"Mica! Bakit 'yan ang sinuot mo?!" Tanong ko agad. She looked at herself and crunched her forehead.

"Ito yung mga pambahay mo, right? It's comfy naman." Parang wala lang na sagot nito. Hindi ko alam kung nananadya o ano e.

"May mga mas maayos naman kasing damit do'n." Saad ko.

"So you want me to take it off now?" She asked teasingly, showing me her smirk.

"Tsk." I hissed. Yumuko muna ako para magdasal. Pagkatapos ay naabutan kong nakatingin parin si Mica sa'kin with amused expression. "What?"

"I have a question." She said in a low tone.

"Hmm?" Tanong ko.

"Would you still like me if I'm not that religious?" She asked in a serious tone. That explains why she's not into praying before meal.

"Yes, Mica. I still like you, the same way." Sagot ko naman. 'Wag na sana s'yang mag-isip pa dahil hindi na 'yon magbabago.

"What if.. I don't believe in Him?" Tanong n'yang muli sa seryosong tono. Hindi siya naniniwala sa Diyos? Kumunot ang noo ko.

"You're an atheist?" I asked in conclusion. Dahan-dahan s'yang tumango.

"Hmm.. first time kong makakilala ng atheist. Would you mind me asking why?" Tanong ko nanaman. Parang ang pormal naman naming mag-usap?

She clears her throat first before explaining and I just stare at her, in admiration and amusement on the way she explains herself.

"There's no reliable evidence of His existence. Also, as stated to the bible, He created the world within seven days which I find impossible, it sounded so.. unreal, like a superpower thing. And I hate these beliefs of some religious people such as homophobia and the way that they always relay to Him. I'd rather do something than wait for a miracle to happen. They got all that from reading the bible and believing in Him. So I don't and I refuse to believe." Mahabang wika n'ya. Para itong nakikipagdebate sa paraan ng pagsasalita.

"Woah.. sandali lang, I'm still processing your answer." Tinaas ko pa ang kamay ko, nanghihingi ng kaunting oras bago magregister ang mga sinabi n'ya sa utak ko.

"You don't need to think about it." She chuckled.

"But I'm not like those example you mentioned, right?" Pagkumpirma ko. Hindi rin naman ako ganoon kareligious. Sadyang naniniwala lang ako sa Kanya.

"Of course, Nueves." She smiled. "Shall we eat? Lumalamig na ang pagkain." Doon palang kaming nagsimulang kumain.

Wala namang naging epekto sa'kin yung sinabi n'ya. Hindi ko naman kailangang baguhin yung pananaw ko, 'di ba? May kanya-kanya naman tayong paniniwala.

Nang matapos kaming kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan. Baka abutin ulit s'ya ng isang oras e. Habang nasa lababo ako ay may isang batang biglang yumakap sa'kin.

"Ate!" Masiglang bati nito.

"Hm, baby, nag-almusal ka na ba?" Tanong ko sa kanya habang tinatapos ang paghuhugas ng pinggan.

"Opo! Ate, pwede po kami lumabas ni ate Mica mamaya?" Nakangiting tanong nito. She seems excited. Pinunasan ko saglit ang mga plato bago humarap sa kapatid ko.

"Saan daw kayo pupunta?" Tanong ko naman. Sila lang dalawa, hindi ako kasama?

"Sa mall daw po!" She answered, full of enthusiasm.

"Osige. Maligo ka na ro'n at magbihis." Utos ko sa kapatid ko. Mabilis naman itong tumakbo papasok ng banyo. Halatang excited.

Nasa sala si Mica. Prenteng nakaupo habang ginagamit ang phone n'ya. Nilagpasan ko muna s'ya at dumiretso sa kwarto ko. Kinuha ko yung isa kong credit card.

She stopped using her phone nang makalapit ako. Nilahad ko sa harapan n'ya ang card ko.

"Paniguradong magpapabili si Persia sa mall. D'yan mo kunin." Wika ko sa kanya. She looked at my credit card and then turned to me with questioning look.

"I invited Persia to come with me so you don't need to give me that." Seryosong wika n'ya.

"Mica, she's my sister and she is my responsibility, not yours. Kaya kunin mo na 'to." Pilit ko paring binibigay sa kanya pero wala s'yang planong kunin.

Nang i-angat n'ya ang kamay n'ya akala ko ay kukunin na n'ya yung credit card but she instead grab my wrist and pulled me kaya napaupo ako sa kandungan n'ya.

"Mica!" Pabulong na sigaw ko. Napalingon pa ako sa pintuan ng banyo dahil baka biglang lumabas si Persia. "Baka makita tayo ni—" naputol ang pagsasalita ko sa ginawa n'ya.

She grabbed me on my nape and kissed my lips. Mabilis na parang may hinahabol na oras. Matapos non ay binuhat n'ya ako at ini-upo sa tabi n'ya.

"Sweet." Bulong n'ya matapos akong halikan. Sarap kurutin ng isang 'to. Lagi akong pinapakaba.

"Ate, nakaligo na ako!" Sigaw ni Persia na lumabas ng banyo nang nakatapis.

"Sige, magbihis ka na doon sa kwarto." Utos ko naman. Pumasok na ulit ito sa kwarto namin para magbihis.

"Ikaw? Hihiram ka ba ulit ng damit ko?" Tanong ko sa kanya habang tinitingnan ang katawan n'ya. Parang hindi kasya sa kanya ang mga pants ko dahil mas matangkad s'ya sa'kin at mas malaki ang built ng katawan n'ya dahil mas madalas s'ya sa gym.

"Dadaan nalang ako sa bahay. Hindi naman mainipin si Persia, 'no?" She said.

"Hindi naman." Sagot ko. She nods. Mauuna pa ang kapatid kong makapunta sa bahay nila. I'm curious about their house. Paniguradong malaki ito.

Mica leaned her back on the couch.

"'Wag ka sanang magtampo, Nueves. Sa susunod, tayo naman ang aalis." She said while her finger is drawing circles on my back.

"Hindi naman ako nagtatampo." tanggi ko naman. Alam kong may pinaplano itong si Mica kung bakit hindi n'ya ako isasama.

"Hmm. Malapit ng magsimula ang school year. I'll be busy soon kaya gusto kong sulitin natin ang bakasyon." I know she'll be very busy. Tutok sa pag-aaral si Mica at maiintindihan ko naman 'yon.

"Pero hindi ko pwedeng iwan si Persia na mag-isa." I said.

"I'll handle that." She said and straighten her back.

"Mica," tumingin ako sa kanya. "'Wag mo munang babanggitin kay Persia ang tungkol sa'tin. Gusto kong ako ang magsasabi sa kanya." Malumanay na pakiusap ko.

"Sure, Nueves. I can wait." Nakangiting saad n'ya.

Sakto naman ang paglabas ni Persia. Nakabihis na ito, nakasuot ng dress at sapatos. Ang ganda ng kapatid ko. Hawak n'ya ang suklay at inabot sa'kin.

"Ate Mica, hindi ka pa nakabihis?" Tanong n'ya kay Mica habang sinusuklay ko ang buhok n'ya.

"Excited ka na ba, baby?" Natatawang tanong ni Mica.

"Opo!" Sagot naman agad ng kapatid ko.

Nang makaalis sila Mica ay inabala ko muna ang sarili ko sa paglilinis dito sa bahay. I also checked my email kung may response na ba yung application ko for modeling abroad pero wala parin.

Maya-maya ay nakatanggap ako ng tawag galing kay mama kaya sinagot ko agad.

[Hello, Nueves?] Bungad ni mama sa kabilang linya.

"Po, ma?" Tanong ko.

[Nak, pahiram naman ng pera. Ubos na ang pera ko e.] Diretsong wika ni mama. Napahinga ako nang malalim. Pera nalang ba talaga ang dahilan para tawagan kami ni mama?

"Ma, uwi ka naman po. Miss ka na ni Persia." Hindi ko muna sinagot ang tanong n'ya.

[Paano ako makakauwi kung wala akong pera?] Pabalang na tanong ni mama. Huminga muli ako ng malalim.

"Sige po, ma. Magpapadala ako sa'yo." Wika ko.

[Hihintayin ko.] Sagot ni mama saka ako pinatayan ng tawag.

Napatingala nalang ako para pigilan ang pagbagsak ng luha ko. It's okay, Nueves. She's still your mother.

Makalipas ang ilang sandali ay dumating na sila Mica. Naunang lumabas ng kotse si Persia. May bitbit itong isang malaking box. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"Oh, ano 'yan?" Tanong ko kay Persia.

"Playstation po hehe." Sagot ni Persia habang nakangiti nang matamis. Pumasok ito sa bahay at agad binuksan ang kahon.

Sumunod na pumasok si Mica. Bitbit ang sangkatutak na paperbag sa magkabilang kamay n'ya.

"Mica, ano 'yan?" Tanong ko nanaman.

"Paperbags?" Kunyaring inosenteng tanong pa niya. Pumasok din ito sa bahay at nilalag sa sofa ang mga bitbit n'ya. "Para sa inyo lahat 'yan ni Persia. These are the—" hindi ko s'ya pinatapos sa pagsasalita. Hinila ko s'ya papunta sa labas ng bahay.

"Mica, hindi ako natutuwa ah." Nakapamewang kong wika sa kanya. "Kaya ba hindi mo ako sinama? Mica, hindi mo kailangang gawin lahat 'yan, Diyos ko, nagsasayang ka ng pera. Hindi porque marami kang pera ay aaksayahin mo na." Sermon ko sa kanya.

Imbes na seryosohin ang mga sinabi ko ay ngumiti pa ito. Mukhang namamangha pa sa nasasaksihan.

"Nueves, masasayang lang 'yon kung hindi mo gagamitin." Nakangiting saad n'ya. Nahahawa na yata sa kanya ang kapatid ko. Pareho silang dinadaan ako sa ngiti.

"Sige, pero huli na 'to, Mica. Wala ka ng bibilhin sa amin na kahit ano, okay?" Mas lumawak lang ang ngiti n'ya. "Sumagot ka, 'wag mo akong ngitian d'yan."

"You look so sexy right now, Nueves. I wanna kiss you so bad." Paos na bulong n'ya na nagpabilis nanaman ng kabog sa dibdib ko.

Bạn đang đọc truyện trên: WatTruyen.Top